Pakikipagtuos

img_3009

***

A piece so close to my heart.
The first ever piece that I’ve performed in front of everyone.
Thank You Lord God for giving me the chance to share your greatness and how you changed the way my life goes.
So here how it goes…

***

Minsan kitang nada’tnan sa parke ng eskwelahan.
Nakatingin sa kawalan, minamasdan ang kalawakan.
Walang bituin nang gabing iyon.
Tahimik ang paligid.
Walang huni ng ibon ang maririnig.
Unti unting binabalot ng dilim ang ginawa mong espasyo na maghihiwalay sayo at sa ingay ng mundo.
Tanging mga hikbi mo na lamang ang kayang iproseso ng mga tenga ko.

Nakaupo ka sa damuhan hawak ang resulta ng exam na ‘yong pinaghirapan.
Kaya’t lumapit ako, pero tanging hindi mo pagpansin ang naging sagot sa paghawak ko sa balikat mo.
Hindi mo ako naramdaman.
Medyo nasasanay na rin ako, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako nasasaktan.
Nasasaktan ako sa alingawngaw ng katahimikan na sagot mo sa aking pakikipagkaibigan.

Lumipad ang ‘yong katinuan papalayo sayo at humihiling ka na sana may magbalik nito, dahil tinangay na s’ya ng mga numero, ng mga grado mong palyado, ng mga bagay na akala mo ay magdidikta ng buhay mo.

“Pagod na ako.”

Tatlong salitang namutawi sa mga labi mo.
Ito yung madalas na ingay ng mundo, kasama nang mga kalampag ng kamao, iyak ng mga pusong wasak, mga luhang bumabagsak, yung parang grado sa FinAcct at ang nakabibinging katahimikan na tinatago sa kaloob looban ng mga mandirigmang pagod ng lumaban.
Maniwala ka.
Noong mga panahong pakiramdam mo ay nawawala ka, hinanap kita.
Natagpuan kita sa pagitan ng “kaya pa” at “suko na” kaya’t niyakap kita.
Noong mga panahong pakiramdam mo ay wala kang kwenta—dahil kahit yung problema sa libro ni valix ay hindi nakikisama, kahit yung pag-asa mong pumasa sa semestreng ito ay tinakasan ka na at yung pagkabigo mo sa quali na naging dahilan kung bakit pakiramdam mo ay wala ka ng ibubuga.
Tinanggap kita.
At paulit ulit na tatanggapin.
Natagpuan kita sa kalagitnaan ng ‘yong pakikipagtuos, mali, hindi lang sa gitna—nandoon na ako mula simula at noong mga panahong ang tanging sandata mo ay ang tapang ng kape, mga makakapal na libro sa accounting, yung kalkyulator mong nabubura na ang mga numero. Oo. Nandoon na ako, isa isang ipinupwesto ang mga plano ko para sayo, isa isang isinusulat sa libro ng tadhana ang ‘yong kwento.
Pero binulag ka ng mundo.
At hindi mo ako hinayaang maging mga mata mo.
Hindi mo nakita ang mga nilaan ko para sayo sapagkat masyadong kang naengganyo ng mga bagay na tumitimbang raw sa halaga mo—tulad nung animnapu’t limang porsyento na nakuha mo sa major exam kahapon, yung test paper mo sa law na ang sarap na lang itapon, yung nakuha mong grado sa FA na sana nilagay mo na lang sa garapon para ihagis sa dagat at nang maanod na ng alon, sa isang paraiso—sa paraiso kung saan walang mapanghusga, kung saan hindi basehan ang mga numero kung sino ka.
Pero wala.
Walang kang nakitang paraiso.
Inisip mo na isa lamang itong nakakalokong konsepto.
Kaya’t niyakap mo ang inaakala mong pinakamadaling paraan.

Ang pagsuko.

Tumayo ka mula sa’yong pagkakaupo, hawak pa rin. Dinala ka ng ‘yong mga paa sa pinakamataas na gusali, dala ang pag-asang maaabot mo ang langit, kasama ang ideyang lumipad ka’t wag kumapit para matapos na ang walang hanggang pasakit at pagtangis.
Naiba ang konsepto ng pakikibaka mo, naging galit, pagod, mapagpanggap at takot.
Takot sa pagkabigo, takot sa pagsubok, takot sa mga ‘paano’, takot na mahusgahan ng kahit sino.

Kaya’t humarap ka sa bintana, dahan dahang umakyat sa pag-asang maabot mo ang mga tala.
At tumingin ka sa ibaba, desidido ng tapusin ang pakikidigma.
Tinawag kita.
Pero hindi mo ako pinansin.
Hinayaan mong umagos muli ang dugo sa aking katawan, sa mga butas sa kamay ko na iyong ipinako, pinaniwala mo ako sa’yong pangako na lalaban ka, na lalaban ka pa.

Alam kong natatakot ka dahil pakiramdam mo hanggang dito ka na lang tulad ng sabi nila, pero hindi, hindi nila alam ang alam ko, hindi nila alam kung paano ko dinesenyo ang puso mo, hindi nila alam ang ibig sabihin ng bawat hinga mo, ng mga hiling, dasal at pangarap mo. Hindi ka nila kilala. Kaya’t bakit mo papakinggan ang sasabihin nila?
Madaya ang mundong kinalalagyan mo.
Uubusin nito ang enerhiya mo, bibigyan ka ng dahilan para makita ang ‘yong sarili sa pinaka nakakapanlumong aspeto.
Ngunit nandito pa ako, kasama mo sa bawat pakikipagtuos, sa bawat antok, sa bawat luha at pagod.

Sasamahan kita dahil alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa.

Unti unting umatras ang ‘yong mga paa at mabilis na tumakbo papunta sa mga bisig ko.
Sa wakas, napansin mo rin ako.

Minsan kitang nada’tnan sa parke ng eskwelahan.
Nakatingin sa kawalan, minamasdan ang kalawakan.
Tanging sigaw ng galak mula sayong puso ang kayang iproseso ng mga tenga ko.

Lumapit ako sayo, at wala pang segundo, nilingon mo agad ako.
Dala ang balita na dahilan ng mga ngiti mo;

Sa wakas, nasa dulo na ng pangalan mo ang tatlong letrang nilaan ko para sayo.

Sa wakas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s