Hindi ito yung tipong…

“Mahal kita.”

Hindi ito yung tipong parang sa pelikula, na may pekeng senaryo at mga pekeng linya.
Hindi rin ito yung tipong naririnig ng mga tenga, nakikita ng mga mata. Hindi ito yung simpleng dampi sa balat.
Kakaiba ito sa mga uri ng sinasabi nilang elektrisidad.
Hindi ito yung napupulot sa daan o yung tipong madaling pakawalan.

Naalala ko nung gabing sinabi mo sa akin; papasukin mo ang bawat letra, patuluyin ang bawat salita, hayaan silang manahan dahil ako ang kanilang tahanan.

At sa pagkakataong ito ako naman ang magpaparamdam sayo ng mga bagay na hindi kayang iproseso ng tenga, bibig, ilong, balat at mga mata mo. Hayaan mong panahanan nila ang puso mo.

Ito yung tipo na parang paghinga, yung uri ng isang mahabang pahinga,

“Mahal kita, maniwala ka sana.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s