Simula

Paano ko ba sisimulan?

Magsisimula ba ako sa kung paano ko siya nakilala? O sa kung paanong ang kanyang pigura ay unti-unting nanatili sa’king isipan? O simulan ko kaya sa mga sandaling halos kaunting hakbang na lang ang layo namin sa isa’t isa?

Saan nga ba ako magsisimula?

Magsimula kaya ako sa kung paanong ang pahapyaw kong pagsulyap ay naging paghanga? Ah, baka kailangan kong magsimula sa pagpapaliwanag ng rebolusyon sa aking puso sa t’wing malapit siya o tanging boses niya lamang ang nangingibabaw sa loob ng aming klasrum?

Ano ba? Sa’n ba talaga ako magsisimula?

Ah, alam ko na.

Baka kailangan ko itong simulan sa kung paano ko siya nakilala at mas piniling kalimutan? O sa kung gaano ko gustong alisin ang kanyang pigura na nakatatak na sa’king isipan? O simulan ko kaya sa pag-alala ng mga sandaling ang kaunting pulgada na layo namin ay naging milya milya?

Siguro nga doon ko kailangang simulan.

Sisimulan ko sa kung paanong ang pahapyaw na sulyap na naging paghanga ay nauwi sa wala–oo, sa wala. Baka kailangan kong simulan sa pagpapaliwanag sa’king sarili na ang mga rebolusyong nangyayari sa aking puso ay wala ng dalang mga pataas na kurba sa’king bibig bagkus isang madugo, masakit, nakakamatay na pababang kurba na ayaw kong manatili sa’king mga labi.

Ah, oo… naiintindihan ko na.

Baka kailangan kong simulan mula sa isang bagay na walang once a upon a time. Parang tayo–oo, para ngang tayo. Isang bagay na meron lang huli, dulo… wakas pero hindi and they lived happily ever after.

Sige na nga…

Sisimulan ko… sa wakas.

Magsisimula ako sa walang simula nating wakas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s