Utot sa Puso (Hindi mabaho, masakit lang)

Sa wakas.
Natapos na. Nalapatan na ng tuldok. At kahit kailan, hindi na muling mababahidan ng tinta ng ballpen ko para makagawa pa ng isang tuldok.
Wala ng part 2.
Wala ng abangan.

Wala na.
Itatapon ko na sa basurahan lahat ng ala-ala, kung saan iyon nababagay.
Hindi na ako maaasar sa kantang The Man Who Can’t be Move ng The Script.
At sa Amnesia ng bandang 5 Seconds of Summer.
Pati na rin sa Chasing Pavements ni Adele.

Tapos na.
Ang nararamdaman ko ay wala ng kwenta. Kasabay ng pagpahid ko sa mga luha ko. Napawi na rin ang pesteng damdaming ito.
Naalala kong sinabi mo; ‘Ang kailangan mo lang gawin ay umupo at hintayin ako.’

Tama na.
Kailangan ko ng tumayo at maglakad. Papalayo sa mundo mo.
Mundo mo nga ba? O sa mundong ginawa ko para sa inaakala kong mala-fairytale nating kwento.

Hindi magiging madali.
Masakit nga din pala, gaya ng sabi nila.
Sakit na katulad ng sakit na naramdaman ko noong nalaman kong nasa huling pwesto si Miriam sa pagka Presidente.
Sakit na katulad noong nagkasugat ako ng Biyernes Santo at hindi na raw gagaling sabi ni nanay.
Masakit nga.
Masakit na kasing sakit ng kahit anong sakit ng mga sakit pa ‘yan.

Ayoko na.
Ito na ang una’t huling beses na aaksayahin ko ang tinta ng ballpen kong HBW o susulat ako sa isang piraso ng intermediate paper para sayo.

Dahil tulad ng tanong sa kanta ni Adele; ‘Should I give up or should I just keep chasing pavements?’

Pinipili ko ang UNA. At sa huling pagkakataon babanggitin ko ang mga katagang ‘mahal kita’

Noon iniisip kong ginawa ni Vice Ganda ang salitang ‘shunga’ para sa’kin.
Ngunit kahit paulit-ulit n’ya pang sabihin yun sa showtime, hindi na yun magiging tulad ng isang bala-hindi na rin ako matatamaan.

Sa Wakas.

Inspired by: @UtotCatalog #UtotSaPuso

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s